Biyernes, Hulyo 8, 2011

UNIVERSITY!

       ATENEO, ang gandang pangalan ano? Ang gandang pakinggan para international university na nag ooffer ng various courses na accredited both domestic and abroad. Pakarinig mo pa lang ng word na yan maiisip mo na agad ang magagandang building, state of the class cafeterias and structures, good teacher and even good roads. maiimagine mo rin yung magagandang mga chicks na nag-aaral dun, yung mga nerds na palagi na lang nag-aaral or even yung mga employees na nagpapakapagod daw araw-araw.
       Pero panu kung malaman mo na yung naiimagine mo ay kabaliktaran pala. Mararamdaman mo na lang na may isang butil ng tubig ang dumapo sa iyong perlas na balat at pagtingin mo sa taas may may butas pala ito at may tumutulo na! Panu kung yung makinis mo paa may malulubog sa baha na may ihi ng daga, tae ng aso o mga tubig mula sa kanal, makakaya mo kaya yon? O kung hindi naman iyo tatawid ka sa mga upuan para makapunta ka other building, panu kung mahulog ka dun, para ka niyang nagswimming sa isang malawak na fishpond.At panu kung yung teacher mo hindi nagtuturo at patuloy lang ng kakakwento ng kanyang buhay, isipin mo na lang na para kang naririnig ng audio-version ng MAALAALA MO KAYA!
        Ngayon, kaya mo pa kaya na magpatuloy sa pag-aaral kung ganyan ang sitwasyon?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento